Pasado na sa Senado sa ikatlong pagbasa ang pag-amyenda sa American-era Public Service Law o Commonwealth Act No. 146 na naglilimita sa terminong “public utility” sa mga negosyong may kinalaman sa kuryente at patubig kabilang na rin ang pagklasipika sa iba bilang “public service” na nakapagbigay daan sa mas maraming foreign investments.

“It was a seemingly impossible journey to pass this bill,” paglalarawan ni Poe sa Public Service Act bilang isang “legacy bill.”

Ang mga industriya na kabilang sa “public utility” at hindi na papayagang magkaroon ng 100% foreign ownership ay ang mga sumusunod: pamamahagi o paghahatid ng kuryente, petrolyo at mga produktong petrolyo, pipeline transmission o distribution system, water pipeline distribution system at wastewater pipeline system, airport, seaport, public utility vehicles at expressway at tollway.

“Hindi na tayo mapag-iiwanan,” ani Poe.

“The country is now open for business but it must be according to our terms and our specific needs.” dagdag pa niya.

Kabilang sa mga pangunahing tampok sa batas ay ang pagtanggal sa mga negosyong napag-alamang sinasamantala ang mga tao dahil sa kanilang pangangailangan para sa kanilang serbisyo.

Inaatasan din nito ang National Security Council (NSC) na suriin ang mga foreign investments na magbibigay ng kontrol sa imprastraktura at paglikha ng isang congressional oversight committee na susuri sa implementasyon ng batas na ito kada limang taon.

Magbibigay daan din ang batas na ito sa paguuri ng “public service” bilang “public utility” sa rekomendasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) habang umuunlad ang ekonomiya at pagbabago sa pangangailangan ng mga tao.

“This is the most consequential legislation in the country,” saad ni Poe.

“Let this be the game changer that businessmen say we need to attract more investments and improve public service. We have put in place safeguards to allay concerns on foreign ownership in critical infrastructure that do not sit well for some. The role of the legislative is to make laws that we hope the executive will implement for the betterment of the public,” dagdag pa niya.

Leave a Reply