Maaaring kanselahin ng Mandaue City Vaccine Operations Center (VOC) ang kanilang regular na pagbabakuna laban sa COVID-19 dahil sa bagyong Odette.
Nanatiling bukas ang limang vaccination sites ng lungsod nitong Miyerkules, Disyembre 15, 2021.
Sinabi ni Dr. Ligaya Lakambini Dargantes, VOC operations head, na nakita nilang marami pa rin ang mga indibidwal na kadalasang naka-schedule ng mga second dose na pumunta sa mga vaccination site nitong Miyerkules ng umaga.
Sinabi niya na mag-aanunsyo sila kapag nakapagpasya silang kanselahin ang pagbabakuna.
“If makita gyud nato nga delikado na most especially we have tents outside kinahanglan mangyud na hipuson, most probably we will just announce if we will cancel it out right nalang kanang on the days nalang,” ayon kay Dargantes.
Ang Mandaue City at ang buong Isla ng Cebu ay inilagay sa ilalim ng Storm Signal No. 1 simula nitong Miyerkules, Disyembre 15, 2021. (By: Frances Pio)
