Mayroong responsibilidad si Pangulong Rodrigo Duterte na ipag-utos na palitan ang mga “problematic” na pinuno ng COVID-19 task force ng gobyerno, na humantong sa “poor handling” o palpak na paghawak ng pandemya sa bansa, sinabi ni Senador Risa Hontiveros nitong Miyerkules.
“He (Duterte) is really the one in the hot seat in terms of command responsibility,” sinabi ni Hontiveros sa isang panayam sa ABS-CBN News Channel.
“An element of command responsibility [is] to replace people who are not qualified, who not doing their job well, lalo na’t isang taon na. It’s way more than the time we need, sobrang haba na ng pisi ng mga tao… something is not working,” dagdag niya.
Inilarawan ni Hontiveros si Health Secretary Francisco Duque III, bilang “problematic”
Si Duque ay nagsisilbing chairman ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa Management of Emerging Infectious Diseases.
“Problematic yung head ng IATF. Yung health secretary na nung isang taon pa lamang, mismong yung mga majority senators na colleagues namin ay nanawagan na palitan siya but he is still there in the saddle,” ani Hontiveros
Binanggit pa ng senador ang dating mga kalalakihang militar na sangkot sa tugon ng gobyerno sa pandemya. Sinabi niya na ang kanilang expertise ay mas maigi na magagamit sa pambansang mga alalahanin sa pagtatanggol ng bansa, tulad ng pagtugon sa mga isyu sa West Philippine Sea, at hindi sa isang health task force.
“Perhaps it is a convenient excuse for the President na nandito itong mga tao na either hindi qualified sa position dahil hindi nila expertise iyon or kahit sila’y civilian, kahit pa health secretary at doctor ay hindi nagpapakitang gilas,” aniya
Inulit niya ang kanyang panawagan na mabusising baguhin ang IATF at i-tap ang mga eksperto sa public health at mga epidemiologist na maging nangunguna sa task force para sa paghahatid ng isang “quality health crisis response that we need”
“The failure of equality management has to be laid on the doorstep of the IATF…The sorry state we are in right now ay dahil sa napaka-mahina at hindi mahusay na pandemic response sa pamumuno ng IATF,” sinabi ng Senador.
“That’s why I’ve called for not a disbanding of the IATF — we need an IATF — pero overhaul nito,” dagdag niya.