Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa Department of Health (DOH) na lumapit sa mga BPO companies upang makatulong sa paghahanap ng mga ospital sa mga nangangailangan na pasyente sa bansa.
Nang dahil sa dulot ng Covid19, maging ang One Hospital Command Center (OHCC) ay nahihirapan nadin tumanggap ng mga tawag.
Ayon sa Senadora bilang kilala ang bansa sa mga naglalakihang BPO companies malaking bagay ito para dagdagan ang mga tanggapan ng tawag sa mga nangangailangan ng ospital.
Ang mga call center umano ang makakatulong sa daang-daang tawag na natatangap ng OHCC, paraan nadin upang makatulong sa mga kababayan na kailangan ng agarang responde.