Ngayong Marso 31, trending sa Twitter sa buong mundo ang hashtag na #TheBinJinWedding dahil sa ginanap na kasal nina Son Ye-jin at Hyun Bin sa araw rin na ito.
Ang nasabing hashtag ay isa sa pinakapinag-uusapang paksa ngayon sa Twitter at iba’t ibang social media platforms.
“I got on the wrong train, and that very train brought me here. It brought me to the place I’ve yearned to come to every morning and night. It brought me to my destination.”
Sinong mag-aakalang magiging makabuluhan ang mga sinabi ni Captain Ri sa kanyang partner na si Yoon Se Ri para dalhin ang dalawang aktor na gumanap sa mga nasabing karakter mula sa Korean drama series na Crash Landing On You (2019)—sa araw ng kanilang kasal?
Kasunod ng kanilang team-up sa nasabing rom-com series, sa wakas ay nakumpirma na ang relasyon nina Ye-jin at Bin noong 2021, na inanunsyo ng kanilang mga ahensya na VAST Entertainment at MSteam Entertainment.
Ang mga nasabing ahensya ng mga aktor ay naglabas ng joint na pahayag ngayon:
“Actors Son Ye Jin and Hyun bin are holding their wedding ceremony today, taking their first step as a married couple. In consideration of the situation with Covid-19, we are sharing the news with their photos instead.”
“We express deep gratitude for the many blessings and many support sent for their new beginning. Actors Hyun Bin and Son Yen Jin along with their agencies will continue to put in full effort to give back for the love received.”
