By Christian Dee
MAYNILA – Suspendido ang klase sa ilang bayan ng Quezon dahil sa masamang panahon na nagdulot ng tuloy-tuloy na ulan sa lugar nitong Biyernes, Enero 20.
Kasama sa mga suspendido, simula alas-12 ng tanghali, ang klase mula pre-school hanggang high school ang bayan ng Atimonan, Calauag, General Luna, Guinyangan, Mulanay, at Tagkawayan.
Suspendido naman sa mga pampublikong paaralan sa bayan ng Perez, sa lahat ng antas, kabilang ang daycare centers, matapos isuspinde ni Mayor Charize Marie Escalona.
Samantala, sa bayan ng Pitogo at Catanauan naman ay suspendido ang mga klase sa paaralan sa lahat ng antas, ayon sa Quezon Provincial Disaster Risk Reduction Management Office.
Pinaalalahanan din nito ang mga lugar sa posibleng pagbaha o mga lugar na nanganganib sa landslide.