By Christian Dee

MAYNILA – Dahil sa malawakang pagbaha dulot ng patuloy na pag-ulan, isinuspinde ang trabaho sa munisipyo ng Naujan sa probinsya ng Oriental Mindoro.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Samantala, liban naman sa pagsuspinde ang mga tanggapang may kaugnayan sa serbisyong pangkalusugan, pagresponde sa sakuna, seguridad at iba pang mga mahahalagang palingkuran.

Kaninang umaga, hindi madaanan ang Barangay Pinagsabangan II dahil sa baha sa kalsada.

Ayon sa Naujan Public Information Office, patuloy ang pagtaas ng tubig baha sa naturang lugar bandang alas-5:45 ng hapon bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Paalala naman nito ang ibayong pag-iingat lalo sa pagsabit ng gabi.

Leave a Reply