Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Inanunsyo ng GMA Network sa social media nitong Lunes, Enero 23, na magsasama-sama ang ilang mga aktor at mga aktres mula sa ABS-CBN at GMA.

Sa pinakahihintay na romantic drama series na “Unbreak My Heart,” mapapanood ngayong taon, 2023, sa GMA, na pangungunahan ng mga bigating Kapamilya at Kapuso stars.

Pagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Gabbi Garcia, at Richard Yap.

Unang beses na makakasama ni Sta. Maria sina Joshua at Gabbi sa isang proyekto, habang muli niyang makakasama ang kanyang dating leading man sa teleseryeng “Be Careful with My Heart” ng ABS-CBN, na si Yap.

Naniniwala naman si Sta. Maria na ang pakikipagtulungan para sa proyektong ito ay makapaglilikha ng oportunidad.

“This collaboration will really bring in opportunities not only to the networks, but for the people working in the network, for the people in the industry,” ani Sta. Maria.

Proud, honored, at excited naman si Yap na makabilang sa kauna-unahang pagtatambal ng dalawang naglalakihang network, GMA at ABS-CBN, sa iisang proyekto.

“Of course I’m also excited to be working with Jodi again and all the other people in the cast,” aniya.

Excited din sina Joshua at Gabbi, na unang beses ding magtatambal, na gampanan ang kanilang character sa nasabing ipalalabas na teleserye.

Makakasama rin sa proyektong ito ang aktres na si Nikki Valdez, Eula Valdes, ang komedyante at host na si Maey Bautista, Will Ashley, at Laurice Guillen.

Leave a Reply