By Christian Dee

MAYNILA – Nakaranas ng pagbaha nitong Linggo ng umaga, Oktubre 30, ang ilang bahagi ng Metro Manila matapos ang malakas na pag-ulan buhat ng bagyong Paeng.

Hindi madaanan ang TM Kalaw Street sa Maynila dahil sa matinding baha. Ilan pa sa mga apektado ng pagbaha ay ang Taft Avenue, Padre Burgos at España sa naturang lugar.

Mayroong sasakyan na tumirik sa España dahil sa baha. Samantala, inabisuhan na rin ang mga motorista na maghanap na ng alternatibong ruta para makadaan.

Sa G. Araneta Avenue naman sa Quezon City hanggang Caliraya Street naman ay hindi rin madaanan ng mga magagaang sasakyan dulot ng baha.

Samantala nitong alas 3 ng hapon, nanatiling epektibo ang second alarm sa Marikina dahil sa lebel ng tubig sa Marikina River.

Leave a Reply