Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Ayon sa palasyo ng Malacañang, wala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Japan.

Ang pahayag na ito ay mula kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil matapos ang mga haka-hakang nasa Japan ang pangulo sa kabila ng hagupit ng bagyong Paeng.

Wala po siya sa Japan,” paglilinaw ni Garafil sa mga mamamahayag nitong Oktubre 30, Linggo.

Matatandaang noong Setyembre ay dumalo si Bise Presidente Sara Duterte sa libing ni dating Prime Minister Shinzo Abe at ipinahayag niya na inaasahan ngang dumalo ang pangulo para sa isang state visit sa Japan.

Kasalukuyan namang nasa ilalim na ng state of calamity ang ilang mga bayan at probinsya sa bansa dulot ng epekto ng bagyo.

(Photo Courtesy of Job Manahan, Malacañang Press Corps/POOL)

Leave a Reply