By Christian Dee
Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, labing-isang miyembro ng komunistang grupong Milisyang Bayan ang sumuko nitong Huwebes, Oktubre 20.
Residente ng San Juan Batangas ang mga miyembrong ito ayon sa The 59th Infantry Battalion of the Philippine Army.
Ang pagsukong naganap ay resulta ng mas pinalawak at pinaigting na opersayon ng military at ng pulisya sa nasabing probinsya.
Ikinatatakot naman ng mga sumuko na maparushan kung mapapatunayang miyembro ito ng teroristang grupo ang multa sa paglabag sa Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 na mas pinalakas ng Anti-Terrorism Act of 2020.
Malugod namang tinanggap ng iba’t ibang sektor, kabilang ang Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict, ang mga sumuko at nagbalik-loob sa pamahalaan.
(Photo from 59th IB / Facebook)
