By Christian Dee

Nash Aguas at Mika Dela Cruz apat na taon nang magkasinatahan

MAYNILA – Ang childhood stars na sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz ay nagdiwang ng kanilang ika-4 na anibersaryo nitong Huwebes, Oktubre 20.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktor na ngayon ay isa na ring konehal ng Cavite City ang retrato ng kaniyang kasintahan at ipinahayag di ni Aguas ang nakakakilig na mensahe nito kay Dela Cruz.

Happy 4th My Love,” pagbati ni Aguas sa kaniyang Instagram post.

I’m proud of us. I’m proud of you. I love you,” dagdag ng aktor bilang pagbabahagi ng kaniyang pagmamahal sa aktres.

Matatandaang ibinunyag ni Aguas sa isang panayam na nagsimula ang kaniyang karelasyon noong Oktubre 20 sa taong 2018. Niligawan aniya ang kaniyang childhood crush nang isang taon bago makamit ng aktor ang kasagutan ng aktres.

Opo, sinagot na rin ako sa wakas,” kumpirmasyon ni Nash.

Leave a Reply