Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Matapos ang matinding pag-ulan dulot ng bagyong Paeng sa bayan ng Arayat, Pampanga, umabot sa 50 pamilya ang inilikas dahil sa pangamba ng mga residente sa posibleng landslide sa Barangay San Juan Baño sa naturang lokasyon.

Partikular sa nasabing barangay ay ang Purok 4,5,6 at 7.

Matatandaang natuklasan ang matinding pagyanig nitong Setyembre 2022 nang tumama ang Bagyong Karding, at upang maiwasan ang panganib, magdamag namang inilikas ang mga residente sa lugar.

Sa kabila ng mga pagguho ng lupa sa tuwing tumatama ang bagyo, ang naturang lugar ay idineklara nang Permanent Danger Zone ng lokal na pamahalaan ngunit ang mga nakatira dito ay bumabalik umano.

Ilang mga bayan naman sa nasabing probinsya ay pansamantalang pinutol ang kuryente simula nitong Sabado. Kabilang dito ay ang bayan ng San Luis, Santa Ana, Arayat, Mexico, Mabalacat at Candaba sa Pampanga.

Kasalukuyan namang nananatiling baha sa bayan ng Macabebe at Masantol dulot ng bagyo.

Leave a Reply