By: Aj Lanzaderas Avila

Ipinangako ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na kung papalaring manalo bilang pangulo ng bansa, magpopokus ang kanyang administrasyon sa pagpapatayo ng mga imprastraktura sa Visayas at Mindanao upang mas mapalago ang ekonomiya sa mga rehiyon.

Sa isang media interview sa La Paz public market sa Iloilo City, ipinunto ng presidential aspirant na hindi tulad sa paglago ng ekonomiya sa mga urban centers tulad ng Metro Manila, napagiiwanan ang mga malalayong lugar tulad ng nasa Visayas at Mindanao.

“I’ve been going around the country and I am happy for some provinces that there is enough infrastructure development. But more provinces need more development – whether it is irrigation, whether it is farming, agriculture, fisheries or any other industries that may benefit them,” ani Moreno.

“If elected, may awa ang Diyos, sa tulong ng tao, investments in terms of infusing development, a peso spent in Metro Manila will never give us much economic growth because of the principle of the Law of Diminishing Returns. But the same peso spent in the provinces will give us more upside in terms of return. So, you will see more developments in far-flung areas,” paliwanag pa niya.

Ayon sa alkalde, ang kanyang pagpupursige na pagandahin ang ekonomiya sa mga probinsya ay mas nadagdagan nang bumisita siya sa San Joaquino kung saan ipinanganak ang kanyang ama, at ganon din sa Antique.

“Nakita ko talaga kung bakit nagpunta ang tatay ko sa Maynila. Talaga palang napakahirap ng buhay sa bundok,” saad ni Moreno.

Ani Moreno, “will not only accelerate economic growth, but will also accelerate the reduction of inequality among Filipinos.” 


Para maisakatuparan ang mga ito, ipagpapatuloy umano ni Moreno ang ‘Build, Build, Build’ program ng administrasyong Duterte upang makapagbigay din ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino.

Dagdag pa ni Moreno, bubuo rin ng sarili niyang bersyon ng ‘Build, Build, Build’ program ang kanyang administrasyon na magpopokus sa pagpapagawa ng mas marami pang pabahay, pampublikong ospital, pampublikong paaralan, at trabaho.

Ginawang halimbawa ng alkalde ang Cebu-Cordova Bridge na nagkokonekta sa Mactan Island via Cordovo patungko sa Mainland Cebu, at sinabing magpapatayo pa ng mas maraming mga tulay sa mga major islands sa bansa na makakatulong sa pagpapabilis ng palitan ng mga produkto at serbisyo.

Sinabi rin ni Mayor Isko na ang mga tulad nitong infrastracture investments ay makakapagbigay ng trabaho at magiging daan sa paglago ng mga micro, small, and medium industries (MSMEs).

“If they can do it there, we can do it here, and we can do it anywhere in a short period of time,” ani Moreno.

Samantala, ipinunto rin ni Moreno na ang kanyang mga desisyon at plano ay madedetermina sa pamamagitan ng konsultasyon sa taumbayan dahil ang kapakanan ng ga Pilipino ang puso ng kanyang kandidatura bilang pangulo.

“It will be a people-oriented approach, ang pupuhunanan natin ang taong bayan, tao muna,” sinabi ni Moreno sa media.

Leave a Reply