Share:

Diretso trabaho si Presidential Candidate Isko Moreno Domagoso ngayong araw matapos ang pagsumite ng kandidatura sa Comelec kaninang umaga.

Ipinasilip ni Mayor Isko ang bagong gusali ng Ospital ng Maynila na ngayon ay malapit nang makumpleto.

Ipinangako ni Domagoso na matatapos at makakapagbigay ng mas magandang serbisyo ang makabagong ospital na ito sa susunod na taon.

Aniya, naging prayoridad ng lokal na pamahalaan ang pagtatayo ng nasabing ospital dahil sa pandemya.

“The Filipino people deserve better from their government. While it is true that we are challenged nowadays, utilization of funds for public purposes can be directed to priorities,” ani Moreno.

Sabi ni Domagoso, na nagsumite ngayong araw ng kanyang Certificate of Candidacy sa pagka-Pangulo, plano niyang magpatayo ng mas maayos na healthcare facilities na malapit sa taumbayan.

“One life saved is an indication of success for governance,” dagdag pa niya.

Leave a Reply