Share:

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na ipagpapatuloy niya ang “Build, Build, Build” program ng administrasyon kung siya’y mahahalal na pangulo, ngunit ito’y magpopokus sa pangunahing pangangailangan ng taumbayan.

“If I become president, I will continue the “Build, Build ,Build “ program of this administration. But instead of roads and flyovers, I will build hospitals, school buildings and mass housing for ordinary people,” salaysay ni Moreno sa dinaos na “Ako si Isko – Volunteers Day” sa Quezon Memorial Circle.

Ayon kay Moreno, ang kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino ang nagudyok sa kanyang magpatayo ng mga vertical mass housing projects sa lungsod ng Maynila, gayundin ang mga modernong school buildings, at “world class” hospitals ttulad ng Covid-19 Field Hospital sa Quirino Grandstand at ang tinatapos na Bagong Ospital ng Maynila.

“Ang pangarap ko ay ang pangarap niyo. Ang nais ko ay ang nais niyo,” pagtukoy ni Moreno sa pabahay, edukasyon, at kalusugan ng mamamayan na kabilang sa kanyang “Bilis Kilos” 10-point agenda.

“Ito ay laban ng ordinaryong Pilipino kung saan araw-araw ay may pangamba siya. Kung may may bahay pa siya. Kung kasya ba ang dalang pera para pamasahe. Kung may kakainin pa ba siya sa kinabukasan.Yan ang tunay na araw araw na pangamba ng tao,” dagdag pa ni Moreno.

Sa 23 na taong paninilbihan ni Moreno bilang public servant, naging pundasyon ng kanyang prinsipyo ang kapakanan ng mga tao, at pagbigay sa mga pangangailangan ng kanyang nasasakupan.

“Paano naman ‘yung mga future development ng ating bansa at ng ating mga siyudad? But for now, tao muna. Murang bilihin, may trabaho, may eskwelahan, may bahay, panatag ang buhay. Dahil may kakayanang itinatag ang pangalan para tugunan ‘yung usaping pangkalusugan ng bawat Pilipino,” ani Moreno.

Tinalakay din ni Moreno sa kanyang 30-minute speech ang pagprotekta sa buhay ng mga tao at pagsulong sa mga uri ng “livelihood” ngayong panahon ng pandemya.

“Mahalaga ngayon ang buhay at kabuhayan. Kaya kinuha kong running mate ay isang duktor. Si Dr. Willie Ong na duktor ng bayan. Duktor na may malasakit sa buong bansa,” pagbida ni Moreno kay vice presidential aspirang Doc Willie Ong.

Ang inorganisang pagtitipon sa Quezon City noong Oktubre 29 ay ang kaunaunahang pagkakataon na nakipagpulong si Isko sa iba’t ibang “Ako si Isko” volunteer groups kabilang na ang mga nanggaling sa sektor ng kabataan at mga senior citizens.

Dahil sa ipinapatupad na health protocols, nilimitahan lang ang bilang ng mga nakadalo sa nasabing pagtitipon sa 200 hanggang 300 na katao sa Quezon Memorial Circle at ang iba’y dumalo nalang via Zoom.

Kasama ni presidential aspirant Isko Moreno ang kanyang running mate na si Dr. Willie Ong at kanilang senatorial candidates na sina Samira Gutoc, Jopet Sison, at Carl Balita.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, hinimok ni Moreno ang kanyang mga tagasuporta at sinabing, “go forth and further multiply” at pinasalamatan din si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mainit na pagtanggap.

“Humayo kayo at magparami,” paghimok pa ni Moreno sa kanyang mga tagasuporta na pinamumunuan ni dating Transport Undersecreatary Tim Orbos at dating lingkod bayan na si Atty. Raoul Creencia.

“Nagpapasalamat ako kay Mayor Joy, sa mga organizer sa Quezon City at sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas for hosting this program. We are very grateful and we are looking forward for more events like this as what we did in Batangas, Tarlac and Pampanga. Tomorrow, we will be in Northern Luzon and in the evening, we will be somewhere in Metro Manila again. So eto, tuloy-tuloy lang, ikot-ikot lang hanggang sa mahilo,” pabirong banat ni Moreno.

Kabilang sa mga volunteer groups na sumusuporta sa kandidatura ni Moreno ay ang Ateneo Lawyers for Isko, Isko Moreno Lawyers and Volunteers, Pilipinas God First, Isko Nation, Ranao God First Movement, One Muslim Heart for Isko, BCOBAR or the Bangsamoro Communities Outside BARMM for Isko, Pilipinas God First BARMM, Samahan ng Kuya Agila para kay Isko, Marawi, IDPS; and Bilos Kilos Pinay, Ilaw at Sandigan ng Kabataang Organisado, Integrated Media for Yorme, Tahanan ng Alumni of Tondo High School, Puso ng Maynila, Pledge of allegiance by; Inisyatibo ng Makabagong Pilipino (IMP), Noypi for Yorme, ISKQC (Isko Kami sa Quezon City), Isko Northern Alliance, Isko Tarlac City, at Isko Mexico, Pampanga.

(By: Aj Lanzaderas Avila)

Leave a Reply