Share:

Iminungkahi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu na maglaan ng humigit-kumulang P6.3 bilyon para pondohan ang sektor ng kalusugan ng lalawigan.

Batay sa panukalang budget plan para sa 2022, maglalaan ang Kapitolyo ng P3.2 bilyon para pagandahin at gawing moderno ang mga kasalukuyang pasilidad at kagamitang gayundin para mapanatili ang mga programang pagtugon sa COVID-19.

P2.3 bilyon ang nakalaan para sa mga serbisyo sa ospital habang P804.6 milyon para sa public health services. Para sa taong ito, gumastos ang Kapitolyo ng P1.9 bilyon para sa lahat ng apat na provincial at 16 district hospitals.

Ipinapanukala ng Pamahalaang Panlalawigan ang P18 bilyong pondo para sa 2022, na mas mataas ng P3 bilyon kaysa sa pondo ngayong taon na P15 bilyon. (By: Frances Pio)

Leave a Reply