By Jude Sagun
––
Kinumpirma ni Jason Hernandez na tuluyan nang na tuldukan ang pagsasama nila ni Moira Dela Torre.
Sa Facebook post ni Jason, inanunsyo nito na hiwalay na sila ng singer na si Moira matapos ang tatlong taon.

“It is with a heavy heart that after [three] years of marriage, we announce that we are parting ways. Our love and respect for each other remains. We request for privacy during this difficult time,” ani Jason.
Kamakailan lamang nang umugong ang balitang hiwalay na ang dalawa matapos kapwa mag-bura ng kanilang couple photos sa Instagram, at agad din na kumpirma na nagkaroon nga ito misunderstanding.
Sa nasabing post, inamin ni Jason naging ‘unfaithful’ siya sa relasyon nila ni Moira.
“[Three] years ago, I married my best friend with the intent of spending the rest of my life with her. Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage,” saad niya.
“I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a ‘peaceful’ but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better.”
Ibinahagi ni Moira sa kanyang official facebook page ang nasabing post at nag-post rin siya ng itim na larawan sa kanyang IG story.
Inaabangan ngayon ng mga fans kung may bago bang ilalabas na ‘hugot’ song si Moira matapos ang hiwalayan. Sa ngayon, nakatakdang mapanood si Moira bilang hurado sa bagong season ng Idol Philippines.
Kapwa song writer at singer sina Jason at Moira, silang dalawa rin ang nag-produce ng hit song na ‘Paubaya,’ awitin tungkol sa pagpaparaya sa dating karelasyon na may iba ng iniibig.
