By Frances Pio

––

Itinutulak ni incoming Presidential Communications Operations Office (PCOO) Chief Trixie Cruz-Angeles ang akreditasyon ng mga blogger para i-cover ang mga press briefing ng Malacañang.

Ang akreditasyon ng mga blogger ay kabilang sa mga prayoridad ng papasok na PCOO, sinabi ni Cruz-Angeles nitong Miyerkules.

“We are pushing for the accreditation of bloggers to be invited to some of the briefings, especially those conducted by the President-elect,” sinabi ni Cruz-Angeles sa isang public briefing.

Idinagdag niya na nais nilang magsagawa ng mga briefing sa Palasyo isang beses hanggang dalawang beses sa kada linggo, o “higit pa kung kinakailangan.”

“The regular once a week are for the updates on pending issues and then possibly a second one if there are issues that need to be addressed immediately. We’re not going to limit it, of course, if it is necessary we will have more briefings but other than that the plan is one or two a week,” ika niya.

Samantala, hindi nakapagbigay ng tiyak na sagot si Cruz-Angeles nang tanungin kung ang lahat ng mga mamamahayag at grupo ng media ay papayagang pisikal na dumalo upang mag-cover ng mga kaganapang kung saan magsasalita si President-elect Marcos.

Susuriin din ng papasok na PCOO ang mga nakabinbing proyekto ng ahensya at magdedesisyon kung ang ilan dito ay dapat bigyang prayoridad o uunahin.

Leave a Reply