By Margaret Padilla

Balik pelikula na ang aktres na si Judy Ann Santos sa 2023 kasama ang aktor na si Sam Milby sa isang horror-drama thriller film na pinamagatang ‘The Diary of Mrs. Winters.’

Magbabalik sa big screen sina Santos at Milby pagkatapos ng kanilang mga nakaraang proyekto, na parehong natapos noong 2019.

First horror film din ito ni Milby.

Sa pagbabalik-tanaw, ang dalawa ay naging magkapareha sa teleserye ng ABS-CBN na “Huwag Ka Lang Mawawala,” na ipinalabas noong 2013.

Ayon sa Manila Bulletin, ang pelikula ay isinulat ni Ricky Lee, National Artist for Film and Broadcast, at Rahyan Carlos at proyekto ng AMP Studios Canada at HappyKarga Films.

Si Rahyan Carlos ay isang kinikilalang horror director, scriptwriter, at ang tanging guro na accredited ng Chubbuck Technique sa Pilipinas.

Si Carlos, na nagbabalik pelikula din, ay makatratrabaho si Santos sa unang pagkakataon, at pinapangako niya ang isang nakakatakot ngunit dramatikong karanasan sa sinehan habang ipinapakita rin ang mga kakayahan ng mga miyembro ng cast sa pag-arte.

Ang “The Diary of Mrs. Winters” ay tungkol kay Charity, isang Filipina bio-forensic assistant cleaner sa Canada, na ginampanan ni Santos, na sinumpa ang buhay matapos itago ang diary ng isang matandang babaeng nagpakamatay.

Gagampanan ni Milby ang love interest ni Charity.

Ang pelikula ay kukunan sa Canada at Pilipinas.

Leave a Reply