By Christian Dee
MAYNILA – Sa isang artikulong inilathala ng Media/News company na Balita, nagbigay ng reaksyon ang direktor ng patok na pelikulang ‘Maid in Malacañang’ na si Darryl Yap ukol sa pagtanggi ni Miss Q&A Season 1 Juliana Parizcova Segovia sa paanyaya sa noontime show na ‘It’s Showtime,’ para sa Miss Q&A Kween of the Multibeks Grand Finals na ginanap nitong Sabado, Oktubre 22.
Sabi ni Yap sa isang Facebook post, “‘Mali na naman…”
“‘Ayoko po pumunta kasi kaya lang ako pinapupunta dahil wala si Vice, tapos yung mga kaibigan ko pong sumasali— sinasabihan daw sila sa show na wag na wag babanggitin ang pangalan ko’,” ani ng direktor.
“Ganon ang sagot Juliana Parizcova,” dagdag pa ni Yap.
Matatandaang ibinahagi ni Segovia kung paano nito tinanggihan ang paanyaya sa nasabing palabas.
Sinabi nito na kahit gusto niyang paunlakan ito, hindi niya kaya.
“As much as I want to, kaso hindi talaga keri… wag po sanang isipin nila na inisnab ko sila,” diin ni Segovia.
“Thank you @itsshowtime for inviting me… and to all the Queens of Ms. Q and A Season 3 Best of luck and Congratulations,” pagpapasalamat niya sa show at pagbati sa mga kalahok.
