Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Mura kumpara sa mga nabibili sa mga palengke ang ilang mga bilihin sa Kadiwa market sa lungsod ng San Juan kaya naman dinumog ito ng mga mamimili.

Itlog, sibuyas, at bigas ang mga produktong pinuntahan ng mamimili dahil sa baba ng presyo sa naturang pamilihan sa Barangay Tibagan.

Ang isang large size na itlog ay nagkakahalagang P8, samantala ang P8 pesos na itlog sa ibang pamilihan ay maliit lamang.

P160 naman kada kilo ang presyo ng pulang sibuyas na naubos agad. Samantala, ang presyo naman ng puting sibuyas sa Kadiwa market ay nasa P170 kada kilo.

Nauna namang naubos ang bigas dahil sa mura ang presyo nito.

Sa nasabing pamilihan, nasa P40 lang ang presyo ng premium na bigas, na mabibili sa ibang palengke na P80.

Ayon sa isang mamimili, base sa isang ulat ng ABS-CBN News, malaking ginhawa nitong Kadiwa market dahil nakakamura at malapit ito sa kanila.

Ang mga produktong itlog at prutas na ipinagbibili sa Kadiwa market ay galing sa Bulacan, Pampanga, at Nueva Ecija. Ang mga gulay naman ay galing sa Pangasinan at Bicol.

Leave a Reply