Ang pamahalaang lungsod ng General Santos City-Office of Senior Citizens Affairs ay nanghihikayat ng mga senior citizen at miyembro ng kanilang pamilya na magpabakuna.
Tanging 39% lamang ng senior citizen sa lungsod ang nabakunahan. Naging mababa ang numero ng mga nabakunahan at itinuturong dahilan ay kakulangan ng bakuna at mga faith-based misinformation.
Ang Office of the Senior Citizens Affairs nitong Lunes, Setyembre 27, ay nagpahiwatig ng pagkaalarma dahil tanging 13,676 ng 35,000 na senior citizen ng lungsod lang ang nakatanggap ng full vaccination base sa datos nitong Setyembre 24. (By: Frances Pio)