Share:

By Christian Dee

Nitong Martes, October 4, 2022, nailabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang karagdagang P1.04 bilyon para sa COVID-19 special risk allowance (SRA) ng mga health workers.

Sabi ng DBM, P55,211 na health workers ang makakatanggap ng P5,000 kada buwan ng kanilang pagseserbisyo sa ilalim ng national emergency ng bansa.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, naiintindihan at kinikilala nila ang sakripisyo ng mga health workers sa bansa.

“Isa po itong paraan sa pagkilala sa kanilang sakripisyo,” aniya.

Samantala, inaasahan naman ng Department of Health (DOH) na maipamamahagi ito sa susunod na linggo.

“Itong P1.04 billion po na natanggap natin, pinoproseso na natin ngayon. We will be already downloading to our regional offices,” pahayag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Dagdag pa rito, ang SRA ay alinsunod sa Bayanihan to Recover as One Act. Ayon sa DBM, umabot na sa P11.587 bilyon ang kanilang kabuuang nailalabas para sa SRA ngunit sabi ni Vergeire, kakailanganin ng P140 bilyon upang makasama ang lahat ng mandatory COVID-19 benefits at iba pang mga allowance magmula noong nag-umpisa ang pandemya sa bansa.

Leave a Reply