Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Payag na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbukas ng inisyal na P100,000 na mga prangkisa sa mga Transportation Network Vehicle Services (TNVS) kaugnay ng pangangailangan ng mga pasahero sa Metro Manila.

Ito ay kasunod ng “investment pledge” mula sa kumpanyang Grab kung saan inaasahang madaragdagan ang trabaho para sa mga Pilipino, ayon sa pahayag ng LTFRB.

Daan-daang trabaho naman ang posibleng maging resulta ng nasabing hakbang, ayon kay LTFRB Chairman Guadiz.

“500,000 new jobs with the creation of 100,000 motor vehicles both in 4-wheeled and the motorcycle taxi. But 100,000 is the initial, hindi naman natin bibiglain lahat ‘yan to prevent saturation in the market,” aniya.

Paliwanag ni Guadiz, maari pang madagdagan ang bilang ng mga prangkisa para sa mga TNVS hanggang maging tugma ito sa pangangailangan ng mga pasahero.

Aniya, susubukan din ng LTFRB na makapagbigay ng prangkisa sa iba pang mga TNVS sa ibang bahagi ng bansa kabilang ang lungsod ng Bacolod, Cebu, Davao, at Iloilo.

Mayroon ding ilalabas ang ahensya na memordandum circular kung saan nakasaad ang iba pang mga kwalipikasyon para sa mga drayber, pati na rin ang mga panuntunan.

Leave a Reply