By Christian Dee
MAYNILA – Sinabi ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) nitong Lunes, Pebrero 6, na umabot sa 11,935 overseas Filipino workers (OFWs) na pinauwi ang nabigyan nito ng training sa ilalim ng kanilang mga programa.
Kung susumahin kasama ang bilang ng mga dependents ng mga naturang OFW, nasa halos 29,000 katao ang kabuuang bilang ng nabigyan ng training ng TESDA.
Nagbitaw naman ng bago at matibay na pangako si TESDA Director General Danilo P. Cruz, na ipagpatuloy ang pagsisikap para sa pagpapalakas ng kakayahan at sa muling kasanayan ng mga OFWs, maging ang kanilang mga pamilya dahil idinagdag na palagi silang kasama sa mga priority client ng ahensya pagdating sa pagbibigay ng skills training at livelihood programs.
“‘Yung mga bumabalik na nawalan ng trabaho ay binibigyan natin ng training program para makapaghanda sa bagong skills na papasukin nila o babalik sila sa kanilang foreign employment at kung mag-decide sila na dito na magtrabaho,” ani Cruz sa isang panayam.
Karamihan sa mga naturang OFW ay nag-enroll sa mga itinuturing na top courses gaya ng ““Practicing COVID-19 Preventive Measures in the Workplace,” “Introduction to Caregiving,” at “Providing Housekeeping Services.”
“Those who returned after losing their jobs [overseas] were given a training program to give them new skills when they decide to either return to their foreign employment or decide to work here,” anang naturang opisyal ng TESDA sa isang pahayag.
