By: Frances Pio
Nagpahayag ng pagkaalarma ang Zamboanga City Health Office sa tumataas na bilang ng mga kaso ng dengue sa Zamboanga City sa nakalipas na dalawang buwan.
Mula noong Enero ng taong ito, 338 na kaso ng dengue ang naitala na may siyam na nasawi, karamihan ay mga bata.
Anim na barangay sa lungsod ang naiulat na may pinakamaraming kaso ng dengue. Ito ang Mercedes na may 15 kaso; Culianan, 9; Divisoria, 9; Zambowood, 9; Lanzones, 3; at Quiniput, 3.
Nagsimula nang mag-ikot ang mga tauhan ng City Health Office sa mga barangay para magsagawa ng fogging activities.
Iginiit ni Dr. Dulce Miravite, City Health Officer, ang kanyang panawagan sa mga residente na isagawa ang 4-S strategy para labanan ang dengue. Kasama sa mga dapat gawin ay ang search and destroy the breeding places of mosquitoes, seek early consultation, self-protection, at fogging activities.
