By Christian Dee

MAYNILA – Isinuspinde ang ilang paaralan sa bayan ng Naujan sa lalawigan ng Oriental Mindoro, kasunod ng masamang panahon na nagdulot ng biglaang pagbaha.

Simula Enero 31, 2023, alas-3:00 ng hapon, hanggang Pebrero 1, 2023, suspendido ang mga klase sa ilang paaralan sa lugar sa bisa ng Municipal Executive Order No. 23-030, ayon sa Naujan Public Information Office.

Walang pasok and mga estudyante sa mga sumusunod na paaralan, base sa anunsyo ng nasabing lokal na pamahalaan:

  • Manuel Marcos Sr. Memorial School – Barangay Bayani
  • Naujan Municipal High School Main Campus – Barangay Andres Ylagan
  • Juan Luna Memorial Elementary School – Barangay Pinagsabangan II
  • Macapili Elementary School – Barangay Melgar B
  • Santiago Elementary School – Barangay Santiago
  • Mariano P. Leuterio Memorial School – Barangay Andres Ylagan
  • Mabini Main Elementary School – Barangay Malvar
  • Leticia Medrano Cacha Elementary School – Barangya Malvar
  • Aurora National High School Malvar Campus – Barangay Malvar
  • Aurora National High School Main Campus – Barangay Aurora
  • Aurora Central School – Barangay Aurora
  • Porfirio G. Comia Memorial National High School – Barangay Barcenaga
  • Masagana Elementary School – Barangay Masagana
  • Evangelista Elementary School – Barangay Evangelista
  • Evangelista National High School – Barangay Evangelista
  • Caburo Elementary School – Barangay Caburo
  • Banuton Elementary School – Barangay Banuton
  • Naujan Municipal High School Pinagsabangan II Campus – Barangay Pinagsabangan II

Kasama rin sa mga walang pasok sa mga naturang paaralan ang mga guro at non-teaching personnel.

Inabisuhan din ng lokal na pamahalaan ang mga estudyante at mga guro mula sa mga paaralang hindi kasama sa mga nasuspinde na dadaan sa mga lugar na apektado ng pagbaha na huwag na munang pumasok para sa kanilang kaligtasan.

Leave a Reply