Share:

By Jude Sagun

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng mga kaibigan at taga-suporta ni Queen of All Media na si Kris Aquino ang Instagram update nito kung saan namasyal siya sa Disneyland sa Amerika kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby. 

Ayon kay Kris, “Promise fulfilled… Because I gave kuya Josh my word.” 

Photo source: Kris Aquino/Instagram

Ito ang unang larawang makikitang nakapamasyal si Kris matapos lumipad sa Estados Unidos simula Hunyo noong 2022 para ipagamot ang kanyang autoimmune diseases. 

Kamakailan lamang din nang ibalita ni Kris na kinakailangan pa niyang manatili sa bansang Amerika nang mas matagal para sa kanyang treatment. 

Photo source: Kris Aquino/Instagram

Nagpadala ng kanilang suporta at pagmamahal ang mga kaibigan at taga-hanga ni Kris at ikinatuwa ang gumagandang lagay ng aktres. Pero hiling ni Kris ang patuloy na panalangin para sa kanya.

Photo source: Kris Aquino/Instagram

Idinetalye rin ni Kris sa kaarawan ng kanyang yumaong ina na si dating presidente Cory Aquino ang kanyang kondisyon na chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, Churg Strauss Syndrome or EPGA, and Scleroderma or Crest Syndrome. Ayon sa kanya, maaring meron na siyang ika-limang autoimmune disease at maari pang madagdagan ng ika-anim.

Leave a Reply