Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Ngayong Linggo, Nobyembre 6, na-cremate na ang labi ng yumaong miyembro ng Apo Hiking Society na si Danny Javier sa Heritage Park sa Taguig City.

Punong puno ng emosyon ang pamilya at mga malalapit na kaibigan ni Javier sa pamamaalam ng mang-aawit. May huling Misa ring ginanap sa nasabing lugar bago ang cremation.

Sa edad na 75, sumakabilang buhay si Javier noong Oktubre 31. Dahilan nito ang matagal nang sakit niya sa bato.

Ani Leyte Vice Governor Sandy Javier, kapatid ng namayapang mang-aawit, sa mga nakiramay, lubos na pinahahalagahan ang kanilang pagmamahal kay Danny at ang presensya nila sa huling sandali ng kapatid.

I’ve lost my only kuya,” ani Sandy Javier.

Ang mga kasamahan naman ni Javier sa Apo Hiking Society na sina Jim Paredes at Boboy Garrovillo ay inalala ang kanilang huling pagkikita.

Kinuwento ni Paredes na sinabi niya kay Javier sa ospital na mahal niya ito, at pinisil ni Javier nang madiin at matagal.

Ayon naman kay Garrovillo, kinantahan niya ito ng ‘Two of Us’ ng The Beatles.

Nagbigay-pugay din ang ilang mga naging katrabaho ni Javier sa industriya na sina Agot Isidro, Amy Perez at Melissa de Leon.

Madaling araw naman ng Linggo nang dumalaw si dating pangulong Rodrigo Roa Duterte sa burol nito kasama si Senator Bong Go.

Leave a Reply