Tinatayang labing-anim na myembro ng Philippine National Police sa Ilo-ilo ang nag positibo sa Covid19 ngayong araw ng Byernes.
Ayon sa PNP Regional Office 6, dalawa sa Regional Operations Division ang naunang nabigyan ng resulta na positibo sa virus nitong nakaraang Huwebes.Labing apat sa kanila ay hinihintay pa ang mga resulta matapos silang bigyan lahat ng swab test.
Lahat ng nagpositibo nitong Byernes ay kasalukuyan nang nasa isolation facility habang ang labing-apat na naghihintay ng resulta galing PRO6 office ay naka quarantine.
Kabalikat ng balitang ito, gagawan ng skeletal workforce ang mga kailangan magreport sa regional office upang mabawasan ang pagrami pa ng maaring magkalat ng coronavirus.
Magsasagawa din ng contact tracing sa mga maaring nakasalamuha ng mga nagpositibo.
Sa ngayon umaabot na ng 106 ang mga may Covid19 virus sa PRO6 at 303 recoveries, 1 patay mula sa unang araw ng pandemya.