Share:

Sisimulan na ngayong araw ang pagbibigay ng bakunang Sputnik V na mula sa bansang Russia sa lungsod ng Maynila. 

Matatandaan na noong nakaraang linggo dumating sa bansa ang nasabing bakuna at ipinamahagi ito sa limang lungsod sa Metro Manila noong lunes. Ito ay ang mga lungsod ng Makati, Taguig, Muntinlupa, Parañaque at Maynila. 

Nasa 15,000 doses ng bakuna ang dumating sa bansa bilang trial dahil nga sa kinakailangang mas malamig na temperatura sa storage facilties kumpara sa Sinovac at AztraZeneca.

Ang mga nabigyan ng Sputnik V ay gagamitin sa mga frontliners sa kanilang lungsod. Sa Maynila gaganapin ang pagbabakuna sa Sta. Ana Hospital at sa lungsod ng Parañaque ay sa mga sinehan ng Ayala Malls Manila bay naman gaganapin ang pagbabakuna. Sa ibang mga lungsod naman ay sa martes o sa mga susunod na araw pa sisimulan nag pagbabakuna gamit ang Sputnik V.

Leave a Reply