By: Frances Pio
Binuksan na ng Pamahalaang Lungsod ng Lapu-Lapu ang kanilang mga vaccination center noong Martes, Disyembre 28, 2021.
Ito ang inihayag ni Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan sa kanyang Facebook Page. Gayunpaman, sinabi ni Chan na sa ngayon, tatanggap lamang sila ng mga magpapabakuna ng kanilang pangalawang doses ng bakuna at mga booster shot laban sa COVID-19.
Una rito, pansamantalang isinara ng pamahalaang lungsod ang kanilang mga vaccination site dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Odette.
Kabilang sa mga vaccination site na muling binuksan para sa ikalawang doses ng mga bakuna ay ang Hoops Dome sa Barangay Gun-ob, Calawisan Gym sa Barangay Calawisan, Kadulang (Mitsubishi) sa Barangay Marigondon, at Liberty Shrine sa Barangay Mactan.
