By Christian Dee
MAYNILA – Inilabas na ang mga opisyal na larawan ng mga kandidata para sa Miss International 2022, kabilang ang pambato ng Pilipinas na si Hannah Arnold.
Kasabay nitong Lunes ang pagpapakilala sa 26-taong-gulang na Pinay bilang model at forensic scientist.
Ipinaabot naman ng kandidata ang pasasalamat sa pinagmulang organisasyon sa bansa at sa Miss International nang mag-comment si Arnold ng, “Maraming Salamat Binibining Pilipinas and Domo arigato gozaimasu Miss International for this opportunity.”
Ilang kapwa beauty queen ni Hannah ang nagpabatid sa comment sa kaniyang larawang ipinaskil din nito sa Instagram gaya nina Miss Universe Philippines 2021 2nd Runner-Up Steffi Aberasturi, Miss Globe 2021 Maureen Montagne, Miss Grand International 1st Runner-Up Nicole Cordoves at marami pang iba.
Hindi naman din nagpahuling magkomento sa kagandahan ng kandidata sa taong ito ang mga naging pambato ng bansa na sina Miss International 2019 Top 8 Finalist Patch Magtanong, at si Miss International 2005 Precious Lara Quigaman.
