By Christian Dee
MAYNILA – Nitong Martes, Oktubre 18, inanunsyo ng officer-in-charge ng Office of the Press Secretary (OPS) na si Undersecretary Cheloy Velicaria-Garafil na nilagdaan na ng pangulo ang pagdedeklara sa Oktubre 31 bilang special non-working holiday.
Ayon sa OPS-OIC, hangad nitong makapagbigay ng mas maraming oras para magkasama ang mga pamilya at palakasin ang turismo sa bansa.
Ani Garafil isang press briefing, “The President has already signed the proclamation declaring October 31 as a special non-working holiday para na rin po mas marami po tayong time kasama ang ating pamilya at para ma-promote na rin ang ating local tourism.”
Sa kasalukuyan, ang bisperas ng All Saints’ Day (Oct. 31) at Nobyemre 1 pa lamang ang special non-working holiday.
Base naman sa proklamasyong pinirmahan ni dating pangulong Rodrigo Duterte, ang ika-2 ng Nobyembre ay nananatiling special working day.
