Share:

By Frances Pio

––

Limang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang tumalikod sa kanilang armadong pakikibaka at isinuko ang kanilang sarili sa militar sa Sulu noong Hunyo 5, 2022.

Pinasinayaan ng 45th Infantry Battalion sa ilalim ng 1103rd Infantry Brigade ang pagsuko ng mga dating violent extremists.

Ang tagumpay ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng 45th Infantry Battalion sa ilalim ng 1103rd Infantry Brigade, kasama ang Municipal Police Station at ang Lokal na Pamahalaan ng Patikul.

Ang mga sumuko ay kinilalang sina Bennajir, 24, miyembro ng ASG sa ilalim ng Hajan Sawadjaan at Mudsrimar Sawadjaan mula 2015 hanggang 2022; Monib, 24, miyembro ng ASG sa ilalim nina Basaron Arok at Radullan Sahiron mula 2019 hanggang 2022; Abdurahsi, 48, isang miyembro ng ASG sa ilalim ni Abdul Moin Sahiron mula 2001 hanggang 2011; Rudy, 36, at miyembro ng ASG sa ilalim ni Abdul Moin Sahiron mula 1999 hanggang 2008; at Sattari, 33, isang miyembro ng ASG sa ilalim ni Salip Salamuddin mula 2007 hanggang 2009.

Iniabot ng mga sumuko ang isang M16A1 rifle, dalawang M1 Garand rifles, at isang cal. 45 pistol. Iniharap sila kay Maj. Gen. Ignatius Patrimonio, Commander ng Joint Task Force Sulu sa 45IB headquarters sa Barangay Tugas, Patikul, Sulu.

Sinabi ni Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., Commander ng Western Mindanao Command, na ang pagdagsa ng pagsuko ng mga dating rebelde at marahas na ekstremista ay dahil sa mabuting pamamahala at walang patid na suporta ng mga mamamayang mapagmahal sa kapayapaan ng Sulu.

Leave a Reply