Share:

By Jude Sagun

Moira Dela Torre/IG

Aminado ang singer na si Moira Dela Torre na sinisisi niya ang sarili sa paghihiwalay nila ng asawa na si Jason Hernandez. 

Sa morning show na ‘Magandang Buhay,’ matapang na nagpahayag si Moira ng kanyang saloobin tungkol rito, ilang araw lamang matapos kumpirmahin ni Jason na naging ‘unfaithful’ siya sa singer, sanhi ng kanilang paghihiwalay.

“Sa lahat naman ng pinagdadaaanan ko sa buhay, laging ‘yun ‘yung initial reaction ko. I always say, ‘what did I do wrong?’ especially now. Saan ba ako nagkulang? Dati akala ko ‘yung ‘Paubaya’ kanta ko lang,” ani Moira. 

 “But at the same time, I also know na God makes all things beautiful at His time at ‘yun talaga pinanghahawakan ko, na I may feel like broken glass right now but God can make me a diamond again and I know I’ll be whole again. I know he’ll be whole again,” dagdag nito. 

Kahit na patuloy pa rin sa pagdadalamhati ang singer, sinabi nitong nasa proseso na siya ng paghilom mula sa breakup ngayon. 

“Mahilig ako magplano, kumbaga wala ‘to sa plano. Pero ang galing kasi dito ko natututunan na mabait talaga si Lord, kasi dito ko nakikita na puwede pala magsabay ang grieving and pati ang healing. Na parte pala ng grieving ang healing, na puwede pa rin pala ako maka-experience ng joy sa umaga kahit umiiyak ako sa gabi,” Saad ni Moira. 

“Akala ko kasi kapag dumadating ‘yung moments na ganito, iisang feeling lang all throughout. First time, sana last time, na ‘yung ganito e. It’s a foreign feeling to me and I didn’t expect it to be like this but I realize na ‘yung what the enemy meant for harm, the Lord always turns into beautiful things.”  

Ibinuyag rin ni Moira na marami pa siyang dagok na hinarap kasabay ng paghihiwalay nila ni Jason, matapos pumanaw ang kanyang best friend, pagkamatay ng kanyang tiyuhin at pagka-dianosed sa sakit na kanser ng kanyang driver, na nangyari lamang sa loob ng dalawang araw. 

“As in nag-shutdown ako. I showed up at work, I turned my work mode on, I sat on my chair, and instantly the strength of Mama Reg, of Tito Gary, of the whole staff, just there… Kung ibang tao ‘yung nasa harapan ko, nasa katabi ko nung araw na ‘yun, siguro ‘di ko kinaya,” Sabi ni Moira.  

“In my life, it may not be in human form but it exists in my life because God is with me and because He is with me, I can forgive. Dahil may Diyos ako sa buhay ko, malaya ako.”

Magiging abala si Moira sa second Season ng ‘Idol Philippines’ bilang hurado kasama sina Regine Velasquez, Gary V at Chito Miranda. 

Leave a Reply