By Jude Sagun
Umugong ang balitang hiwalay na ang aktres na si Liza Soberano sa long-time boyfriend na si Enrique Gil, matapos na mapansin ng mga netizen ang tila magkahiwalay nang mga byahe nito abroad.
Pero paglilinaw ni Liza, maayos sila ng aktor at suportado rin daw nito ang kanyang bagong tinatahak na karera, kasado na kasi ang pagiging artist ni Liza sa Careless Music na pinamumunuan ni James Reid.
“Ken is fine.”
“I was hoping someone will ask me about that, there’s a lot of rumors of course, sparking. We’re fine, we’re totally fine.”
“He knew all about my U.S trip and I had talked to him and I was like, these are like really big opportunities that I don’t want to miss up on. I hope you understand and he’s totally understanding about the whole thing and very supportive. Yeah we’re totally fine,” ani Liza.
Tatahakin ngayon ni Liza ang mga holliwood opportunities at pagiging recording artist sa kanyang bagong management.
Nauna nang naiulat ang hindi na pagpirma ng kontrata ni Liza sa management ni Ogie Diaz, para maging bahagi ng Careless Music.
“Let’s just explore, let’s see what happens,” Saad ng aktres.
Nakaabang na rin ang mga fans sa bagong kabanata ng showbiz career ni Liza.