Share:

Noong Lunes, ang lokal na pamahalaan ng Angeles ay namigay ng libreng internet cards sa 65,000 estudyante simula Grade 4 hanggang 12 para sa kanilang online learning.

Ayon kay Mayor Carmelo Lazatin Jr. sa isang phone interview, ang mga cards, na maaaring gamitin sa loob ng tatlong taon, ay may kakayahang magbigay ng access sa 700 WiFi spots para sa libreng internet connection.

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan na isa sa mga leading satellite broadband service provider ng bansa ang nagbigay ng 500 na libreng access spots. At ang 200 access spots naman ay binayaran ng Angeles City ng 20 milyong piso.

Ang mga access spots ay itinayo sa iba’t ibang parte ng lungsod upang magbigay ng signal para sa WiFi. Ang mga cards ay may lamang passwords para sa mga access points na ito.

Ang unang 5,404 cards ay napunta sa City College of Angeles, Marisol Bliss, at Sta. Teresita elementary schools at Malabanias Integrated School.

Ang mga nakatanggap ng cards ay yun ding mga nabigyan ng libreng tablet noong nakaraang taon ng lokal na pamahalaan.

Leave a Reply