By Christian Dee

MAYNILA – Ibinahagi ni Kathryn Bernardo sa social media kung paano nito ipinagdiwang ang kanyang ika-27 kaarawan noong Marso 26.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng aktres na hiniling niyang magkaroon lamang ng simpleng selebrasyon ngayong taon.

“I requested for a low-key birthday celebration this year (thank you for listening @bernardomin),” saad ni Bernardo sa naturang post.

“No birthday shoots, no big party, no reason to get glammed up—just me and the people that mean the world to me. Couldn’t have asked for a better way to welcome my 27th. My heart is so full,” dagdag pa niya.

Nakasama ni Bernardo sa kanyang selebrasyon ang kanyang pamilya, ilang kaibigan, at sorpresang dumating din ang kanyang kasintahan na si Daniel Padilla.

Nagpasalamat din ang aktres sa mga taong bumati sa kanya.

“And to everyone who made time to greet me on my special day, I am overwhemed by all your love. Thank you. Sending my warmest hug to each and everyone of you!” ani Bernardo.

Ilang mga kapwa artista rin ang nagpaabot ng birthday greetings kay Bernardo sa komento.

“You deserve it bb ko, hbd love you always,” komento ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa.

“Happy Birthday! [insert boquet of flowers emojis],” saad ni Ina Raymundo.

Leave a Reply