By Francis Pio

Nakapasok ang Lyceum of the Philippines University Pirates sa win column ng NCAA Season 97 matapos talunin ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 82-75, nitong Miyerkules sa La Salle Greenhills Gym.

Pinangunahan ni Enoch Valdez ang Pirates sa unang panalo nito ng magtapos ng may double-double performance na may 21 puntos at 12 rebounds at limang steals.

Nahanap din ng guard na si Mac Guadana ang kanyang rhythm para sa Pirates at nagtala ng season-high na 14 points.

Tinapos ng panalo ng Lyceum ang kanilang tatlong sunod na pagkatalo at iniwan ang JRU bilang ang tanging walang panalong koponan sa liga pagkatapos ng apat na laro.

Leave a Reply