By: Frances Pio
May kabuuang 117,503 doses na ng mga bakuna sa Covid-19 ang naibigay sa mga batang may edad 12 hanggang 17 sa Cagayan de Oro, ayon sa vaccination report ng lungsod noong Enero 16, 2022. Ayon sa datos, 53,358 dito ay fully vaccinated at 64,145 ang nakakuha nang unang doses ng bakuna.
Noong Enero 16, mahigit isang milyong doses ng mga bakuna laban sa Covid-19 ang napamahagi sa Cagayan de Oro.
Sa 1,088,593 na doses, 551,330 ang para sa unang doses ng mga bakuna at 494,458 ang ginamit bilang pangalawang dosis. May kabuuang 42,805 indibidwal naman ang nakatanggap ng kanilang mga booster shot.
