Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nagsalita na si Maine Mendoza ukol sa mga usap-usapang kasal at may anak sila ng katambal nito noon sa isang segment ng TV Show na Eat Bulaga na si Alden Richards.

Sinabi ni Mendoza sa isang panayam kasama si Ogie Diaz, sinabi ng aktres na mayroon pa ring mga tagahanga na naniniwalang mag-asawa sila ng nasabing aktor.

’Yung iba parang hanggang ngayon kapit na kapit sila na mag-asawa kami ni Alden, may anak na kami,” ani ng aktres.

Marami na rin aniya ang pinadalahan niya ng mensahe sa Twitter upang linawin ang estado ng dalawa.

Wala pong katotohanan,” giit ni Mendoza sa mga tagahanga nito.

Aniya, siya na mismo ang nagme-message sa mga naniniwala sa sabi-sabi pero ang reply sa kaniya ng mga ito ay “Hindi si Maine ‘yan. Admin ‘yan ng account ni Maine.”

Ibinahagi rin ng aktres na umabot na siya sa punto na napapagod na siyang magpaliwanag at wala na siyang magagawa para sa mga taong ginigiit ang usap-usapang estado ng dating magkatambal.

Leave a Reply