By Christian Dee

MAYNILA – Umabot sa 23 ang bilang ng naitalang landslide sa ilang barangay sa Cebu City dulot ng hagupit ng bagyong Paeng noong nakaraang linggo.

Ani Joy Hernandez, ang namumuno sa rehab and recovery section ng Office of Civil Defense sa Central Visayas, ang dahilan nga ng nasabing insidente ay ang pag-ulan.

Apektado sa mga pangyayari ang 5 barangay sa nasabing lungsod. Ito ay ang Bon-bon, Kalunasan, Guba, Pung-ol Sibugay at Busay.

Sinabi rin ni Hernandez na posibleng makapagtala pa ng karagdagang bilang ng landslide dahil sa patuloy na pag-ulan sa lungsod.

Samantala, nitong Huwebes, Nobyembre 3, naman ay mayroong higit 10 pamilya ang lumikas dahil sa pagguho ng lupa sa Sitio Napo, Barangay Sapangdaku sa kaparehong lugar.

Kaugnay nito, umabot na sa P277 milyon ang halaga ng napinsalang imprastruktura ng bagyong Paeng sa nasabing rehiyon.

Leave a Reply