Patuloy ang paghahanda ng Mandaue City para sa pagbabakuna sa mga menor de edad, na may edad 12 hanggang 17, habang naghihintay ng go signal mula sa Department of Health (DOH).
Ayon kay Dr. Debra Maria Catulong, medical officer ng Mandaue City Health Office, na nagsasagawa sila ng orientation sa lahat ng kanilang vaccinators at vaccination post supervisor tungkol sa mga side effect na kailangan nilang abangan at counseling na kailangang ibigay sa mga magulang, bukod sa iba pa.
Sinabi niya na ang DOH ay hindi pa nagbibigay ng final guidelines kung saan gaganapin ang pagbabakuna, kung ito ay sa ospital o ito ay sa isang non-hospital setting.
Sinabi niya na nagpaplano na silang makipagtulungan sa gobyerno at pribadong ospital sa lungsod. (By: Frances Pio)