Sa isang live question and answer session sa Kumu, iginiit ng sexy actress na single siya. Sinabi rin niya na walang romantic na nangyayari sa pagitan nila ng aktor.
“No, no, and no. Never kaming nagkaroon ng kahit anong relasyon, romantic, wala,” ayon sa kanya.
Nag-ugat ang mga usap-usapan na ang dalawang artista ay nagde-date dahil sa isang video kung saan ipinakita silang magkasama.
Nilinaw ni Ivana na hindi lang sila ang magkasama ni Marco noong oras na iyon kundi kasama rin nila ang iba pa nilang mga kaibigan. (By: Frances Pio)
