Share:

By Frances Pio

––

Bumisita si Manny Pacquiao sa home stadium ng FC Barcelona, Camp Nou, nitong Miyerkules.

Malugod na tinanggap ng mga opisyal ng FC Barcelona ang Filipino boxing legend at ang kanyang pamilya.

“It’s an honor to be here, visiting this biggest stadium in Barcelona. To meet the owner, and also the staff. The warm welcome, I really appreciate it,” sinabi ni Pacquiao sa isang video na inilabas ng football club.

Ang dating eight-division world champion ay nakakuha din ng 2022-23 away kit ng FC Barcelona.

Ipinahayag kamakailan ng FC Barcelona ang gold-clad kit na ang inspirasyon ay ang pagho-host ng lungsod ng 1992 Olympic Games.

Sinabi ni Pacquiao na natuwa sila sa kanilang pagbisita sa Camp Nou.

Leave a Reply