Share:

By Frances Pio

––

Binati ni Pope Francis si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang inagurasyon bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.

Ipinadala rin ng pinuno ng Simbahang Romano Catolico kay Marcos ng kanyang “best wishes” sa isang mensahe, sinabi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) noong Huwebes.

“In assuring you of my prayers that you will be sustained in wisdom and strength, I invoke Almighty God’s blessings of peace and prosperity upon the nation,” ayon sa liham ng Santo Papa.

Binasa rin ang mensahe ng Papa ni Arsobispo Charles Brown, ang Papal Nuncio sa Pilipinas, sa Misa para sa Pope’s Day sa Manila Cathedral noong Hunyo 29.

Tiniyak din ng Papal Nuncio kay Marcos ang “collaboration and the support of the Catholic Church as he takes on the weighty responsibility of his office.”

Nanumpa si Marcos bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas nitong Huwebes, Hunyo 30, sa Pambansang Museo sa Maynila.

Leave a Reply