Umatras si Errol Spence Jr. sa laban nila ni Manny Pacquiao dahil sa kanyang eye injury, nakatakdang ganapin ang laban sa Agosto 21, 2021.
Dahil sa pangyayari, nagkaroon ng pagkakataon na makasagupa ni Pacquiao ang Cuban boxer na si Yordenis Ugas. Ipagtatanggol dapat ni Ugas ang kanyang WBA Welterweight title laban kay Fabian Maidana ngunit pumalit sya sa pwesto ni Spence, at nabigyan ng pagkakataon lumaban sa main event.
Masasabing ito rin ang pinaka malaking laban ng 35 year old na si Ugas sa kanyang career. 26 wins at 4 losses ang kanyang standing sa boxing at ito ang kanyang ipaglalaban sa kanilang welterweight showdown.
“It’s an honor to fight the great multiple division world champion, Manny Pacquiao, as I am more than ready to take on this challenge,” pahayag ni Ugas.