By Christian Dee
MAYNILA – Pinahintulutan ng Korte Suprema na makabiyahe sa ibang bansa ang mamamahayag na si Maria Ressa, ayon sa Supreme Court Public Information Office.
Nakasaad sa pahayag nito na ang biyahe ni Ressa ay simula Marso 13 hanggang Abril 1, 2023, dalawapung araw (20 days) para sa ilang speaking engagments.
“The Supreme Court has allowed veteran journalist Maria Ressa to travel abroad from March 13 to April 1, 2023 for several speaking engagements,” saad sa pahayag ng Korte Suprema.
“In a Resolution dated March 6, 2023, the Court’s First Division resolved to grant the Fourth Motion for Permission to Travel Abroad of petitioner Ressa subject to certain conditions,” dagdag pa nito.
Bilang kondisyon, ipinag-utos kay Ressa na sundin ang tuntunin ng “sub judice” at iwasang magbigay ng anumang komento o pagtalakay sa publiko ukol sa kanyang kaso at iba pang mga kaugnay dito.
“And to travel on the cash bond of P100,000 she previously posted pursuant to an earlier Resolution of the Court,” isa pa sa mga kondisyon.
Nakatakdang bumiyahe ang CEO ng Rappler at Nobel Peace Prize winner sa Canada, France, South Korea, at sa Estados Unidos.
Kakailanganin ding iparating niya sa Korte Suprema ang abiso sa pamamagitan ng pagsulat tungkol sa kanyang pagbabalik sa bansa sa loob ng limang araw mula sa kanyang pagdating.
